Sunday, August 5, 2018

Wikang Filipino,Wikang Pangkaalaman

     Ang Tao ang tanging nilalang na hinahangad na magtugklas at magtanong. Gamit ang kaniyang dila't husay sa pagsasalaysay, pinapatunayan niya ang kaniyang ideya't opinyon at gumagawa Ng mga paraan tungo sa makabagong pagtuklas.

     Isang kakaibang nilalang ang Tao, sapagkat Siya lamang ang may kaisipan upang gumamit Ng mga huni at wika upang makipagkapwa. Walang ibang hayop ang may kayang makipag-usap gamit ang malikhaing pagbuo Ng iba't ibang tunog sa kaniyang dila, kaya't tayong mga Tao ay naiiba dahil sa kakayahan nating tumuklas.

     Kung ilalagay natin sa konteksto Kung bakit ang Tao ay gumawa ng mga tunog para makipag-usap, tiyak na mababangit na dahil dito sa mga kailangan, kagustuhan at paghangad Ng taong makibahagi. Sa tanan Ng buhay Ng isang Tao makikita natin na ang wika sa kaniya ay espesyal, at lalong espesyal Kung ang wikang ito'y kaniyang kinalakihan.

     Sumisimbolo ang wika sa pagpapahayag Ng mga Tao, ngunit ang kinasanayang wika Ng isang tao ay simbolo ng taong malayang nagpapahayag ng kaniyang puso; ang puso Ng isang taong mithiing umunlad ang kaniyang bansa. Ang pambansang wika ay isang behikulo upang magkaisa't umunlad ang isang lipi, at ang Filipino bilang wikang pambansa Ng Pilipinas ay Instrumental sa pagbabahagi at pagkalap Ng bagong mga kaalaman

     Ang Filipino bilang wikang pansaliksik ay bumubuhay sa hangarin nating magkaisa't umunlad tungo sa pagbabago. Kung ang wika ay ang diwa Ng isang bayan, ang diwa natin sa gayon ay natutulog pa at Hindi gising. Ngunit sa pag-usbong Ng makabagong panahon, napapatunayan natin na buhay abg ating diwa at makakasabay ito sa panibagong pag-aaral at pananaliksik. Taas-noong babalikatin natin ang panibagong hamon dulot ng teknolihya at inobasyon, kaakabay ang wikang Filipino, maasahan natin na Hindi na Tayo papahuli sa mga hamon Ng buhay. 


     Sa paggamit Ng wikang Filipino upang maipakita ang kasarinlan, matutupad natin ang tunay na hangarin Ng wika, na tumustos sa pangangailangan, sindihan ang kagustuhan sa pagbabago at magpatuloy sa pagkalap Ng kaalam at tumuklas ng mga paraan upang tayo' y umunlad bilang isang Pilipinas

6 comments:

  1. Good Job! Continue the good work :))))

    ReplyDelete
  2. Mahusay ang iyong pagpapahayag ng impormasyon.

    ReplyDelete
  3. Mahusay Patricia. maganda ang iyong artikulo.

    ReplyDelete
  4. Napakahusayy!! Gusto ko rin tong gawa mo cyst hahaha! Keep up the good work! #labanparasapambanbsangkaunlaran

    ReplyDelete